Philippine Standard Time
Protokol upang matugunan ang Pestalotiopsis leaf fall disease, isinagawa ng proyekto ng DOST
Featured

Protokol upang matugunan ang Pestalotiopsis leaf fall disease, isinagawa ng proyekto ng DOST

Pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ang ‘rubber farming’ ng mga magsasaka ng rubber, pati na rin ang mga ‘rubber tappers’ sa rehiyon ng Mindanao. Ngunit dahil sa sakit ng Pestalotiopsis Leaf Fall Disease (PLFD) na nagdudulot ng paglagas ng mga dahon  at kalaunang pagkamatay ng puno ng rubber, kaya’t maraming kabuhayan ang nanganganib mawala o malugi. Sa katunayan, mahigit 37,000 na taniman ng rubber ang apektado na ng PLFD.

Upang muling maging produktibo ang mga plantasyon ng rubber sa Mindanao, isinagawa ng Philippine Rubber Institute (PRRI) kasama ang University of Southern Mindanao (USM) ang proyektong, “Etiology, detection, and management strategies against Pestalotiopsis disease of rubber.” Ang proyektong ito ay pinondohan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD).

Sa pangunguna ni PRRI Executive Director Cheryl L. Eusala, nakagawa ang proyekto ng “DNA-based detection kit” o isang paraan upang matukoy nang maaga ang sakit na PFLD gamit ang DNA ng puno ng rubber. Bukod dito, natukoy ang tatlong‘fungus’na nasa loob ng halaman na maaaring gamitin para mapigilan ang ‘pathogen’ o mikrobyong nagdudulot ng sakit ng PFLD. 

Isang protokol din ang binuo para pangasiwaan ang sakit na PFLD na ibinahagi sa mga lokal na pamahalaan. Ginamit ang protokol na ito ng 3,452 magsasaka ng rubber at 6,504 plantasyon ng rubber sa 54 na munisipalidad sa loob ng anim na rehiyon ng Mindanao na nagtatanim ng rubber (Rehiyon bilang 9, 10, 11, 12, 13, at BARMM). 

Para sa isang rubber farmer na si Wilfredo Alpuerto Jr., malaki ang naging epekto ng sakit na PFLD sa kanyang taniman. “Halos bumaba ng kalahati ang ani namin ng latex dahil sa sakit na ito [PLFD]. Napakahirap sa panahon na iyon, syempre, apektado ang pang-araw-araw naming kabuhayan [para sa] aming pamilya. Ngunit [noong] dumating ang PRRI at USM, unti-unting nagbago ang takbo ng aming kabuhayan. Muli naming naibalik sa normal ang ani. Sa katunayan, malaki ang naging pagtaas ng produksyon ng latex kumpara sa dati o higit pa.” 

Inirerekomenda ng proyekto na patuloy na subaybayan ang PFLD sa Mindanao gamit ang DNA-based detection kit at ang patuloy na paggamit ng kemikal at organikong gamot sa mga plantasyon ng rubber

slot maxwin slot gacor kubet slot gacor gampang menang toto togel slot online SLOT777 garuda4d mybet188 AMANAHTOTO permata88 situs toto slot gacor