Mas nakilala ang kawayan sa buong mundo dahil sa taglay nitong potensyal bilang pagkain, inumin, gamit bilang tela, at materyales para sa konstruksyon. Dahil sa iba’t ibang maaaring gamit nito, mas tumataas na rin ang interes sa maramihang produksyon ng ‘giant bamboo’ (Dendrocalamus asper) at Kawayan-tinik (Bambusa blumeana). Ngunit, nagiging problema ng mga magsasaka na nagiging maikli ang buhay ng kawayan kapag ito ay pinaparami sa tradisyunal na pamamaraan.
Upang tugunan ang pangangailangan ng mas pinabuting protokol para sa maramihang produksyon ng giant bamboo at Kawayan-tinik, ipinatupad ng Central Mindanao University (CMU) ang proyektong, “Field Performance of Bambusa blumeana and Dendrocalamus asper Clones in Disturbed Sites.” Isinagawa ang proyektong ito sa ilalim ng Niche Centers in the Regions for R&D (NICER) at pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST).
Kabilang sa protokol ang paggamit ng “rooting hormone” at “misting system” upang madiligan ang mga materyal pang tanim. Ang mga sumusunod ang rekomendasyon sa bawat uri ng bamboo:
Kawayan tinik
- Gamitin ang mga pinagputulan ng pinakapuno ng uhay na mayroong mga bukas na biyas o gamitin ang buong pinakapuno ng uhay;
- Aplikasyon ng “indole-3-butyric acid (IBA)” rooting hormone; at
- Pagdidilig sa mga supling gamit ang misting system.
Giant bamboo
- Gamitin ang mga pangunahing pinagputulan ng sanga (itaas at gitna);
- Ang mga supling ng mga pangunahing sanga ay gagamutin ng “indole-3-acetic acid (IAA)” rooting hormone; at
- Pagdidilig sa mga supling gamit ang misting system.
Ang protokol para sa kawayan-tinik ay natulungang mas mapataas ang antas ng buhay ng mga supling ng 78%, kung saan naobserbahang mas tumaas kumpara sa tradisyunal na paggawa ng mga materyales pang tanim. Bukod dito, umani ang protokol ng may pinakamataas na bilang ng mga ugat at suwi.
Magkakahalaga ang protokol ng P15 sa bawat materyal pang tanim, bukod pa ang puhunan para sa “misting chamber”. Kapag ibinenta ito sa mga magsasaka, kikita ang mga magsasaka ng bamboo ng P15 kada materyal pang tanim.
Ang proyekto ay sinubaybayan ng DOST-Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD).
