Philippine Standard Time

IRISDD, mas matutulungan ang pagtukoy at pagsubaybay sa mga peste ng rubber tree sa iba’t ibang rehiyon

Ang mga pesteng insekto at sakit ang ilan sa mga banta sa produksyon sa mga plantasyon ng ‘rubber trees’ sa Pilipinas. Upang matugunan ito, ang Philippine Rubber Research Institute (PRRI) ay sumisiyasat ng mga estratihiya upang masuri ang mga peste at sakit ng rubber sa tulong ng ‘artificial intelligence’ (AI).

Ang mga nasabi ay tutugunan sa proyektong, “Artificial Intelligence-Based Diagnostic Clinic for Efficient Detection and Monitoring System for the Management of Rubber Diseases and Insect Pests,” na pinamumunuan ni Dr. Jill D. Villanueva na mula sa Cotabato Foundation College of Science and Technology (CFCST). Pinondohan ito ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD).

Ang ‘AI-assisted’ at ‘online diagnostic clinic’ na tinawag na “Intelligent Rubber Insect Pests and Disease Diagnostic (IRISDD),” ay pupunuan ang mga kakulangan ng mabisa at epektibong pagbabantay, pagtutuklas, at klinika para sa mga eksperto ng rubber. Layunin ng IRISDD na masuri at maibukod ang mga sakit at pagkakakilanlan ng pesteng insekto. Bukod dito, mag-dedebelop din ng sentralisado at ‘online platform’ kung saan ilalagak ang mga datos na mas madaling  magagamit ng mga benepisyaryo. 

Sa pamamagitan nito, mabisang matutugunan ng IRISDD ang mga problema sa mga plantasyon ng rubber na hindi kakayaning malabanan gamit ang mga tradisyunal na pamamaraan lamang. Sa pamamagitan ng ‘monitoring system,’ ang mga datos tungkol sa mga pesteng insekto at sakit ng rubber tree ay makikita at magagamit na ng mga nakikinabang dito.

Mabibigyan din ng pagkakataon ang mga magsasaka ng rubber at ang iba pang mga nakikinabang na makipagusap sa mga eksperto gamit ang online clinic, samantalang isang ‘mobile application’ naman ang magsisilbing ‘offline disease diagnostic tool.’ 

Sa kasalukuyan, patuloy ang mga aktibidad kaugnay ng proyekto at inaasahang maipakakalat ito sa mga probinsyang nangunguna sa produksyon ng rubber. Ang proyekto ay may potensyal na magkaroon ng magandang epekto sa maliliit at sa malalaking grupo at negosyo ng mga nakikinabang sa rubber sa bansa.

slot gacor slot gacor gampang menang toto togel slot online mybet188 permata88 parlay RP888 premantoto BABETOTO situs slot Jin hoki login AMANAHTOTO situs gacor AMANAHTOTO slot777 slot gacor wahyu4d kenzobet kenzobet kenzototo kenzototo kenzototo kenzototo kenzototo biolabet biolabet slot gacor rezekitoto rezekitoto rezekitoto slot deposit pulsa calon4d puasbet situs slot gacor hari ini cuanwin77 Depobos Depobos Hometogel Hometogel biolabet biolabet biolabet kenzototo slot gacor slot qris slot777 slot88 slot88 slot online slot88 gacor slot mania slot online slot gacor apk slot toto toto slot88 slot gacor slot gacor 88 slot gacor rupiahbet